Bakit kailangan natin ng Insurance?

         According to Xuan Nguyen, you can either: (1) die too young or, (2) live too long. Here’s the key: Both problems need to be addressed.

Dying too young and you don’t have anything to leave for your family it just means that you’re also leaving a financial burden. Ano na ang mangyayari sa mga naiiwan natin lalo’t nakadepende sila sa atin, part of being responsible family member we need to leave something for them after death.

Isa sa nagiging problema natin after retirement stage ay living too long, kung saan hindi nagiging sapat ang retirement fund natin.

Dying too young and living too long, isa lang ang maari kong maisagot dyan, dapat magkaroon tayo ng proteksyon sa pamamagitan ng pagkuha ng insurance na kung saan ito’y magsisilbing tulong sa mga pamilyang maiiwan natin.

            Bahagi ng paniniwala ng ordinaryong Pilipino na ang pagkuha ng insurance ay isang  hindi maganda pangitain sa hinaharap. Lagi nating naririnig sa mga matatanda na pag kumuha tayo ng insurance ito ay isang sumpa na kung saan my masamang epekto sa pamumuhay ng buong pamilya. Ang kaugaliang ito ay isa sa mga hadlang kung bakit tayong mga Pilipino ay hirap abutin ang mas maginhawang buhay. Parte ng pag abot ng financial freedom, naniniwala akong kailangan nating magkaroon ng insurance dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1.     Pinoprotektahan nito ang ating pamilya – Lahat tayo ay may isang patutunguhan sa hinaharap, ang tanong, handa ba ang ating pamilya kung sakaling mawala tayo? Kaya ba nilang suportahan ang kanilang mga sarili kahit wala na tayo lalo’t tayo pa ang bread winner ng ating pamilya? Kung tayo ay may pag aalinlangan sa kanila magiging buhay pinansyal sa panahong lisanin na natin ang mundong ibabaw, ang pagkakaroon ng insurance ay isa sa maganda sagot upang magkaroon tayo ng peace of mind na kahit anong oras man tayo lilisan ay hindi mamomroblema ang ating pamilya sa pinansyal na aspeto. Ang pagkakaroon ng insurance ay magagamit ng ating pamilya sa mga death expenses, sa pamamagitan ng benepisyo na nakukuha sa insurance may magagamit sila upang magsimulang muli. Ideally, dapat magkaroon tayo ng insurance na makakatulong sa kanila sa loob ng tatlong taon upang magsimulang muli sa pagtatayo ng negosyo, paghahanap ng trabaho o pantutos sa matrikula ng mga anak.

2.     Pambayad ng Estate Tax- Ang mga ari- arian ng taong namatay ay automatic nafefreeze at ito ay entitled sa estate tax. Bago mailipat ng beneficiary sa kanilang pangalan ang mga ari- ariang naiwan ng namatay kailangan nilang magbayad ng 20-30% sa total networth ng ari-ariang kanilang matatanggap. Ang pagbayad ng estate tax ay bahagi na ng batas ng ating gobyerno na ating bayaran. Sa tulong ng insurance, hindi na mamomroblema ang mga naiwan kung saan manghahagilap ng pambayad sa estate tax. Lahat ng assets na nakapangalan sa taong namatay ay entitled sa estate tax maaring ito ay property (house and lot, land, building), business, paper assets gaya ng stocks, mutual funds, UITF (unit investment trust fund), bonds at marami pang iba.

3.     Pambayad ng utang – ang pagkawala ng isa sa miyembro ng pamilya lalo an ang bread winner ang pinakamasakit n pangyayari sa buhay. Samantala, isang sakit din sa bulsa kung may naiwan itong mga utang o bayarin, kung  ang nawalang miyembro ng pamilya ay my insurance, malaking kaginhawaang pinansyal ang dulot nito sapagkat hindi na mamomroblema ang pamilya kung saan kukuha ng pambayad sa mga utang halimbawa na dyan ay bank loans, amilyar atbp.

4.     Magbibigay ito ng peace of mind – ang pagkakaroon ng insurance ay isa sa parte ng ating financial planning na kung saan ito’y nagbibigay sa atin ng peace of mind. Madaming klase ng insurance halimabawa dito ay: life insurance, non-life insurance at health insurances na kung saan ay inooffer ng iba’t ibang insurance company sa Pilipinas. Ang pagkakaroon ng mga insurance na ito ay malaking tulong sa atin lalo na sa panahon ng unos sa ating buhay. Halimabawa dyan ang gamit ng health insurance, alam nating lahat na mahal magkasakit sa atin, sa tulong ng health insurance sasagutin nito ang ating pangamba upang mabigyan lunas agad mga sakit. Meron ding tinatawag na non-life insurance halimbawa na dyan ang car insurance, calamity insurance atbp, sa tulong nito nagkakaroon tayo ng peace of mind na may maasahan tayo sa panahon ng emergency.


Paalala ang pagkukuha ng insurance ay dapat naayon sa ating financial needs lalo na sa pagkuha ng life insurance na kung saan dapat ay nakabase ito sa ating Statement of Assets and Liabilities and Networth. Lagi tandaan na ang pagpaplano ng maaga ay isa sa pinakamagandang decision para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Ang pagkakaroon ng insurance ay maituturing ng extension of responsibility dahil kahit wala na tayo sa mundong ibabaw natutulungan pa din natin ang ating pamilya upang bumangon muli.













“Failing to plan, is planning to fail” – Allen Lakein



Comments