Pag subaybay sa gastusin

Bago pa man tayo mag simula about investing and business, mas mainam na malaman muna natin kung sa paanong paraan natin mapapangasiwaan at mapapalago ang ating personal na pananalapi. dahil ang totoo mas mahirap mapangasiwaan ang isang business o negosyo gaano man ito kaliit o kalaki, at mas mahirap itong mapalago kung ang ating sariling pananalapi ay hindi natin mapangasiwaan ng maayos.
Narito ang mga simpleng paraan para ating mapangasiwaan ng maigi ang ating expenses

Alamin kung saan napupunta ang ginagastos (Tracking expenses).

kayo rin ba minsan ay ayaw ninyong nababaryahan ang inyong mga buong pera?. Noon ako rin ay ganun kapag pag nabaryahan na ang isang libo, limang daan, isang daan o singkwenta pesos animo'y parang bulang ang bilis kung mawala na hindi na alam kung saan napunta makalipas ang ilang sandali. Ito ang isa sa pinaka basic, ngunit pinaka mahirap gawin. Ako man noong una kahit hanggang ngayon ay nahihirapan akong itrack ang bawat detalye ng aking expenses. Hindi madaling matukoy kung saan napupunta ang pera. Ngunit ito ang isa sa pinaka matinding pundasyon na ating kailangan upang makamit natin ang tagumpay na ating inaasam na Karunungang pampinansiyal. "Financial Literacy"

kailangan nating masubaybayan bawat sentimo na lumalabas at pumapasok sa ating personal na pananalapi, ang isang matagumpay na negosyo o negosyante ay alam ang daloy ng kanilang salapi, ang mayayamang tao pa nga`y nag ha-hire ng personal nilang accountant para kanilang malaman ang daloy ng kanilang pananalapi, dahil sa laki ng kanilang pananalapi kaya nag hire na lamang sila ng ekspertong gagawa nito para sa kanila, sa paanong paraan naman ba ang ating pinansyal? Karapat dapat ba tayong mag hire ng accountant para lamang masubaybayan natin ang ating mga expenses?

Narito ang mga simpleng paraan kung sa paanong paraan natin masusubaybayan ang ating mga gastusin.

1. Lapis at papel
Isa ito sa paraang ginagawa ng marami upang masubaybayan ang kanilang gastusin, ang halimbawa nito ay

Sa ganitong paraan sinusulat nila sa kanilang papel/notebook ang araw-araw nilang gastos ng sa ganon ay mabilis nilang masubaybayan kung saan sila sumobra ng budget sa loob ng linggo, kinsenas o buwan.

2. Phone/Smart Phone Application (ie messages, color note etc,)


 Madalas sa atin ay may mga hawak ng telepono mapa android/iphone o analog na telepono (old model phone). Kaya hindi narin kaila sa atin na maari itong magamit upang ma subaybayan ang ating gastusin ng hindi gumagamit ng lapis at papel, konting pindot lamang ay ok na.

3.Computer Software/Program (ie Notepad, excel etc).
Ang paraan naman na ito ay mainam para sa taong may kompyuter o mahilig mag budget gamit ang excel. Marami ang kayang gawin ng MS Excel mula sa formulation,presentation,charting at iba pa upang mapadali ang pag subaybay ng gastos mapa arawan, linggohan o buwanan man, ngunit kailangan na alam natin ang mga paraan upang matutunan ang tamang pag gamit ng Microsoft excel.

4. Itabi ang mga resibo
Ang paraan ng pag tatabi ng resibo ay mainam na paraan upang malaman natin kung ano ang ating mga gastusin ng linggohan, kinsenas o kada buwan.


Ngayon po ay atin nang natutunan ang iba`t ibang paraan kung sa paano natin maaring masubaybayan ang ating gastusin. Nasa sa atin na lamang ito kung ating gagawin at ipagpapatuloy ng may disiplina.
Tandaan po natin na ang paraang ito ay isang parte pa lamang ng ating talakayan ng Karunungang pampinansiyal "Financial Literacy".


"Sa paanong paraan sa atin ipagkakatiwala ang malalaking bagay o salapi, kung ang maliit ay hirap nating pangasiwaang maigi."




 

Comments