How to double your money using 'Rule of 72'

Ano ang 'Rule of 72'

Ang Rule of 72 ay na diskubre ng isa sa pinakadakilang siyentipikong si Alber Einstein at kanyang itinuring na isa sa kanyang pinakamalaking pagtuklas kahit pa sa kilalang E=MC². Inisip niya itong
Pinakamalakas na puwersa sa lupa. Sa pinakasimpleng anyo nito ipinaliwanag ni Einstein sa ganitong paraan.

Pag ang pera ay iyong ininvest at kumita ka ng interest sa iyong kapital, at ni-reinvest mo itong muli kasama ng iyong kapital at interest, at ang interest nito ay ni-reinvest mong muli kasama ng iyong kapital at interest, Ngayon sa ganitong prinsipyo na aapply sa kahit na anong uri ng investment, bayaring utang, at pati narin sa inflation rate ng ating salapi. Sa pamamagitan ng paggamit ng Rule ng 72 ni einstein, maaari na tayo ngayon maging makatarungan nang wasto sa pag alam kung gaano katagal bago madoble ang ating pera o pagkaka-utang sa ibinigay na Interest rate.

Sa madaling sabi ang Rule of 72 ay shortcut sa pagkalkula o estima ng bilang ng taong kaylangan upang madoble ang ating salapi sa ibinigay na taunang interest rate. Ang tuntunin ay hatiin ang rate percentage sa 72.

Taong kaylangan upang madoble ang investment = 72 ÷ Annual interest rate.

Halimbawa nito ay:


Investment Number 1: Time deposit or CD`s (Certificate of deposit)

    Ang Certificate of deposit o mas kilala natin sa tawag na time deposit ay ang uri ng investment vehicle na karaniwang kilala ng lahat ng nais na mag invest. Ang uri ng Investment na ito ay mas secure dahil ang mga bangko ang karaniwang nag iissue nito, at ito ay insured ng PDIC.
Ang karaniwang Interest Rate ng Time deposit ay 1%-2% depende sa tagal nito at laki ng inyong salapi.

Gamitin natin ang Average of 1.5% Annual interest sa pag kalkula.

72 ÷ 1.5% = 48yrs ang kailangan upang madoble ang pera ninyo sa Time Deposit ng walang Withdrawhan.

Kaylangan nating iconsider ang 20% Witholding tax charged sa kabuuang kinita ng time deposits.

so ang tamang formula para saakin ay

72 ÷ 1.2% = 60yrs kasama na ang 20% annual witholding tax upang madoble ang pera ininvest ninyo sa time deposit.


Investment Number 2: Retail Treasury bonds or Government Securities.

    Ito ay isang uri ng investment na inuutang ng gobyerno sa kanyang mamamayan upang gamitin sa pagpapalago ng ekonomiya.

 

72 ÷ 4.25% = 16.94yrs ang kailangan upang madoble ang inyong pera sa RTB.

Ang RTB`s ay taxable ng gobyerno hanggang 20% sa taunang kabuuang kita nito.

so ang tamang formula para saakin ay
72 ÷ 3.27% = 22.01yrs ang kailangan upang madoble ang inyong salapi bawas na rito ang witholding tax.
Want to Learn More about RTB`s Visit here: http://www.treasury.gov.ph/?page_id=9029


© http://www.treasury.gov.ph/?page_id=9029































Investment Number 3: Corporate Bonds

    Ang Corporate Bonds naman ay isang debt security na ini-issue ng mga korporasyon upang ibenta sa mga mamumuhunan kapalit ang ipinangakong taunang interest. Ginagamit ito ng mga kumpanya upang palawigin pa ang kanilang buying power para sa kanilang mga proyekto. Madalas ginagamit dito ang kanilang physical asset upang magamit na kolateral sa kanilang bonds.




Gamitin nating halimbawa dito ang kamakailan lang na pagrelease ng corporate bonds ng Double Dragon na 6.0952%

72 ÷ 6.0952% = 11.81yrs upang ma doble ang inyong salapi


Investment Number 4: Stock Market

    Ang Stocks parte ng pagmamayari ng isang korporasyon. Ang Stock market ay lugar kung saan ang stock ay maaring mabili o mabenta. Ang Philippine Stock exchange(PSE) ay ang korporasyon na namamahala ng lokal na stock market. Pag ikaw ay bumili o nag invest ng stock ng isang korporasyon, maituturing ka na ding isa sa nagmamay ari nito.
Halimbawa nalang ng Jollibe, Ayala Corporation,SM,San Miguel at iba pa.

Madalas ang annual interest rate sa Stockmarket ay nag aaverage sa 10% sa pag lipas ng panahon.

72 ÷ 10% = 7.2yrs ang panahon na kailangan upang ma doble ang inyong salapi.



If you invested at PSEI way back 2009 you already have 325.37% total return by the current price today
   (The data shown base on historical data, doesn`t guarantee if you invest today you will gain same profit in the future)
© to investagrams.com

Investment Number 5: Business / Franchising

    Ang business o negosyo ay isang pangkabuhayan kung saan ang mga kalakal at serbisyo ay ipinagpapalit para sa isa't isa o para sa pera.

Gamitin nating halimbawa para sa rule of 72 ang naresearch kong franchising business na Potato Corner.

Ayon sa https://365daystartup.wordpress.com/2016/12/20/day-2-potato-corner-inquiry-1/, ang Standard Cart Package daw ng potato corner ay nagkakahalagang Php 350k, hindi pa kasama dyan ang Upa, Bayad sa pasahod, panimulang paninda at set up cost, kasama na ang government permits, resibo, supplies etc.

Ayon sa blog na yan ang kabuuang Initial Capital para sa business/franchise ay Php 655,330.


© to https://365daystartup.wordpress.com/2016/12/20/day-2-potato-corner-inquiry-1/
Kung ating susundin sa chart na yan na nang galing sa blog ang posibilidad na maibalik ang capital ay within 3yrs

so,

72 ÷ 3yrs = 24% Annual Interest Rate ng ating business model.

Ang rule of 72 ay maganda kung ito ay sang ayon sa inyo at hindi salungat sa inyo ( Debt ) dahil ang Rule of 72 ay nagagamit din sa ating mga pagkaka utang. Naway naunaawaan ninyo ng maayos ang ibig sabihin ng rule of 72.
"If you dont take a risk, you can`t create a future"   -Monkey D. Luffy


Disclaimer: All sample investment vehicle above is not guaranteed profit nor computation, its only sharing the idea how to use the Rule of 72 in our Investment / Business.

Comments