Ways to Cut down Expenses



 Isa sa pinakamalaking hamon para sa personal na pamamahala ng pinansyal na aspeto ay kung paano mababawasan ang gastos. Isa sa pinaka epektibong paraan para mabawasan ang gastos ay alamin ang mga paraan para mapamahalaan ng wasto ang bawat sentimong ating kinikita.

Una Dapat nating mawari ay ano ba ang ating gusto at kailangan. Bago bumili ng isang bagay tanungin muna natin ang ating sarili kung kailangan ba natin ito at mahihirapan ba tayong mamuhay ng wala ito, o gusto lang natin ito.

Read More: How to track your expenses

Mga Paraan upang mabawasan ang ating monthly expenses

1. Bawasan o iwasan ang mga maling gawi

 (Tulad ng sigarilyo, alkohol, sugal atbp.)
Anu mang pag gastos ng mga bagay tulad ng alak at sigarilyo ay hindi maganda sa ating katawan at sa ating pinansyal na estado.
Kung hindi natin alam kung saan mag sisimula upang mabawasan ang ating expenses, mas mainam na ito ang una nating alisin o bawasan. (Healthy ka na nakatipid ka pa).

 

2. Iwasan ang maluhong pananamit.

  Walang masamang bumili ng mamahalin at branded na pananamit, ngunit nagiging masama lang ito kung sobra sobra. Marami namang paraan upang hindi masyadong gumastos sa ating pananamit, Marami parin namang kalidad na mga damit sa murang halaga.



3. Iwasan ang makipagsabayan sa makabagong teknolohiya.

 

Napupuna niyo ba ang mabilis na pagbabago ng teknolohiya? kalalabas lamang ng Samsung Galaxy S7 Edge Last Feb 2016, matapos ang isang taon mayroon nanamang bagong release ang Samsung Galaxy S8. Kung mapapansin ninyo halos taon taon may bagong labas ng mga Flagship phones ang lahat ng smartphones, mapa samsung,iphone,sony atbp.
Kung tayo ay makikipagsabayan upang makiuso sa bagong modelo, tayo lamang ang mauubusan ng salapi at tinutulungan lamang din natin na yumaman ang mga phone makers.

4. Bawasan o iwasan ang kumain sa labas.

  Isa sa mainam na paraan upang makatipid ay iwasan ang pagkain sa labas o mag take out ng order.
Mas makakatipid nga naman kung tayo mismo ang mag peprepare ng ating kakainin at mas magiging espesyal pa ito dahil tayo mismo ang nag effort ng kakainin ng ating pamilya. Magbaon nalamang sa eskwelahan o sa trabaho para mabawasan din ang ating gastos. Mas sigurado pa tayong malinis ang pagkakagawa ng ating kakainin.

5.Humanap ng paraan upang makatipid sa travel expenses.


Maraming paraan upang makatipid sa ating pag lilibot kung ating nanaisin. Hindi natin kailangan maging magastos sa pagta-travel. At tayo ay makakatipid kung paplanuhin nating maigi ang ating travel at mas maagaang booking sa airline, accomodation etc mas makakamura tayo. Google is your friend sa pag search ng way para makamura sa ating travel leisure.




Maraming paraan upang mabawasan ang ating expenses at isang paraan dyan ay kailangan malaman mo kung magkano ang perang pumapasok at lumalabas sayo.

The best way to create wealth is to live well below our "means" and do more saving than spending.


Comments