Simple Ways to Allocate your Funds

Lahat tayo ay may mga pangarap na nais maabot, lahat tayo ay gusto ng financial freedom. Tanong, kaya ba nating magsakaripisyo
para maabot ang mga ito? Kaya natin kung gugustuhin, kailangan lang natin ng tamang mindset at disiplina sa sarili para maging possible ang lahat. Ang fund allocation ay magiging gabay nyo para maisaayos ang pamamahala ng pinaghirapan nyong pera.
Ito ay magiging direksyon nyo kung magkano lang ang dapat nyong gastusin sa bawat needs at wants natin.

Nakagawian natin ang formula na ito:

INCOME-EXPENSES= SAVINGS
Pagkatanggap ng sahod nauunang binabawas ang gastusin at kung ano ang matitira ay syang napupunta sa ipon (savings). Minsan nga ay wala ng natitira para sa ipon dahil sa dami ng bayarin kagaya ng bills, utang, tuition fees atbp.

Ideally, ito dapat ang maging formula natin:

INCOME-SAVINGS = EXPENSES
Nararapat na pagkatanggap ng iyong sahod ang una mong itinatabi ay ang iyong ipon at ang matitira ay syang dapat pagkasyahin.

Mahirap ang pagbubudget kung hindi mo ito nakagawian, pero sa una lang iyan, pag sinimulan mo ito ng my dedikasyon at disiplina, makakasanayan mo ito at tiyak makakamtan mo ang iyong mga pangarap.

Pwede nyo ding sundin ang formulang 70/20/10 – 70% ay para sa expenses, 20% para sa iyong savings at 10% para sa iyong tithes/charity.

Read more: ( 10 20 70 Rules )

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng fund allocation na maari nyong sundin:


1. Retirement fund
“The best time to invest was yesterday, the second best is today, and the worst time is tomorrow” – Randell Tiongson
Ang motivational quote na ito ay isa sa naging eye opener sa akin na dapat habang bata pa ay sinimulan na ang pagbuo ng retirement fund, pero hindi pa huli ang lahat dahil kung binabasa mo ang blog na ito, ito ay magiging eye opener din sa inyo para simulan mo na ang pagplano sa iyong pagtanda. Nakagawian ng kulturang Pilipino na pagkatapos mag-aral ng anak ay pinapasa na ang responsiblidad para buhayin ang magulang o pag-aralin ang mga kapatid. Ang nangyayari minsan ang anak ang nagiging retirement fund ng magulang, pasan-pasan ng anak ang lahat ng expenses ng magulang kahit pa may mga sarili na itong mga pamilya, hindi natin maiiwasan yan dahil sa pagmamahal natin sa ating mga magulang, pero bilang magulang, alam kong ayaw nyo ding nahihirapan ang inyong mga anak at maging pabigat sa kanila. Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam na pagtanda natin pinag-aagawan tayo ng mga anak o apo natin upang alagaan tayo dahil kaya nating sustentuhan ang mga expenses natin at hindi tayo pabigat sa kanila?  bagkus matutulungan pa natin sila. Hindi ba't ang sarap sabihin ang mga katagang ito sa mga anak natin “Mga anak pasyal tayo, kain sa labas isama nyo mga apo ko, ako taya”.

2. Emergency fund


Mahalagang  meron tayong emergency fund, from the word itself, dapat ginagamit lang ang fund na ito tuwing may emergency gaya ng pagkakaroon ng sakit sa isa sa mga miyembro ng pamilya, pagnatamaan ng kalamidad, o nawalan ng trabaho. importanteng nakahiwalay ito sa ating savings account, mag bukas ng separate account para dito, kung saan hindi natin magagalaw unless kung may emergency.

Ang mga sumusunod ang dapat na formula sa pagbuo ng iyong emergency fund:

  • Single- 3 to 6 months ng iyong monthly expenses.

  • Married/family- 6 to 12 months ng iyong monthly expenses.

  • Married at may binabayarang amilyar/loan – more than 12 months ng iyong monthly expenses.

Mas maiging may naitatabi tayong sa panahon ng unos upang hindi tayo mamomroblema kung saan kukuha ng panggastos, maiiwasan nating umutang, at hindi natin magagalaw ang ating savings at mga investments.

Pag nakompleto na natin ang ating emergency fund, maari na nating idagdag sa ibang fund ang ating nilalaang budget para sa emergency fund, pwede nating ilagay sa investment or pandagdag sa ating retirement fund.

3. Support fund
©shutterstock.com
Ito ang magiging fund allocation natin para sa gastusin natin sa bahay lalo na kung tayo’y pamilyado. Mas mabuting nakalista na dapat ang mga bayarin para malaman kung magkano dapat ang ilalaang pera. Maigi ding maglista ng ating mga kailangan like grocery, tuition fee, baon ng mga anak, bayad ng kuryente, tubig atbp. Mas maigi ding iinvolve ang buong pamilya sa ating budget plan, turuang magtipid at alamin ang needs vs. wants.


4. Happy fund


Hindi dapat nating ideprive ang ating mga sarili, kaya ang happy fund ang magsisilbing separated fund natin para magamit sa wants natin gaya ng pagbili ng gusto nating bags, shoes, pang travel, pang treat sa pamilya kung kakain sa labas atbp. Tandaan: kung may gusto tayong bagay at hindi pa abot ng ating happy fund, hintaying mabuo muna ang happy fund bago bilhin ang ating gusto. Iwasang mangutang para pambili ang iyong wants. Importanteng ipractice natin ang tinatawag na “Delayed Gratification” kung may gusto tayong isang bagay, maghintay ng dalawang linggo bago bilhin ito, pagkatapos ng dalawang linggo, tanungin natin ang sarili natin kung gusto pa rin ba natin ito. Kung gusting gusto mo pa din, maghintay ulit dalawang linggo hanggang sa mawala ang iyo kagustuhan lalo’t hindi pa kayang bilhin ng happy fund natin ang wants natin.

5. Tithes/ charity
©shutterstock.com

Ang tithes/charity ay pamamaraan upang ibahagi ang mga blessings na meron tayo. Tayong mga Pilipino ay naniniwala sa mga katagang ito “It’s better to give than to receive” at “We are blessed in order to share our blessings”. Likas tayong matulungin at mapagbigay sa ating kapwa, kaya nga naniniwala ang karamihan sa atin na kaya tayo pinagpapala dahil tumutulong tayo sa mga nangangailangan at sa mga proyekto ng simbahan.

Samantala, ang fund allocation ay modifiable base sa mga goals natin, pwede din tayong magset ng mga sumusunod na funds:


Educational fund

Magagamit mo ang fund na ito kung gusto mong mag enroll sa isang kurso na magpapalawak ng iyong kaalaman, kung ikaw ay may mga anak mainam na simulan ng maaga ang pag-iipon ng fund na ito. Since long term ang purpose ng karamihan sa fund na ito, maghanap ng investment vehicle na paglalaanan ng fund na ito na kung saan napapalago nito ang ating pera.


Business fund

Maglaan ng budget para sa gusto nating business. Alamin kung magkano ang target amount ng ating itatayong business at kung magkano ang kaya nating itabi buwan-buwan para dito.



Travel fund




Mas mainam na may itatabi tayong ipon kung may gusto tayong puntahang lugar para maiwasang magalaw ang savings natin.






Wedding fund

Ang kasal ay isa sa mga espesyal na pangyayari sa buhay ng karamihan sa atin. Mas maiging may nakahiwalay na ipon para dito upang maiwasan nating umutang o magastos ang savings natin.

Baby fund
Sa mga nagpaplanong bumuo ng pamilya, maiging pagplanohan ito ng maaga sa pamamagitan ng pagbuo ng baby fund. Magagamit ito sa panahon ng panganganak at ibang gastusin pagkatapos manganak. Ang average rate ng normal delivery sa Pilipinas ngayon ay nasa 30,000 to 50,000 pesos, samantalang ang
cesarean section naman ay nasa 50,000-100,000 pesos (depende sa klase ng hospital). 

Lahat ng mga funds na iyan ay kayang-kayang abutin kailangan lang nating magcommit na tatrabahuin natin ito upang makamit ang ating pangarap at mabigay ang magandang buhay sa ating mga mahal sa buhay. Ang pamilya natin ang magsisilbing team natin upang abutin ang pangarap natin sa buhay, bilang leader ng ating goals ipakita natin sa kanila ang ating dedikasyon at disiplina, na syang maging inspirasyon nila upang maging katuwang natin sa pag-abot ng ating mga pangarap.




Previous Topic:How to track our Expenses (Pag subaybay sa gastusin)                               Next Topic: Ways to Cut down Expenses


Comments